Bukod kay Chelsea Manalo ng Bulacan na kinoronahan na Miss Universe Philippines 2024, isa pang Manalo na mula sa Quezon ang nanalo sa kompetisyon na ginanap nitong Miyerkules ng gabi.

BASAHIN: Kilalanin ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na proud sa kaniyang kulay

Inanunsyo ng MUPH Organization, na si Ahtisa Manalo na mula sa Quezon, ang hinirang na Miss Cosmo Philippines 2024.

Kasama ni Ahtisa na nagwagi ng titulo ay sina Alexie Brooks na Iloilo bilang Miss Eco International Philippines 2025, Tarah Valencia ng Baguio bilang Miss Supranational Philippines 2025, at si Cyrille Payumo ng Pampanga na hinirang na Miss Charm Philippines 2025.

Idinaos ang Miss Universe Philippines 2024 coronation night nitong Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Kabilang sa nagtanghal sina Marina Summers, Lola Amour, at Thai actor na si Win Metawin.

Nagsilbi namang mga host sina Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, Alden Richards, Jeannie Mai, Gabbi Garcia, at si Tim Yap hosted the event.

Si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang nagpasa ng korona kay Chelsea.—mula sa ulat ni Carby Basina/FRJ, GMA Integrated News