Asahan ang mga pasabog na performance at bonggang fireworks display sa "Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso," na gaganapin sa SM Mall of Asia sa December 31.

Si Ruru Madrid, na magbabalik sa new season ng "Lolong: Bayani ng Bayan," ang magsisilbing host sa libre at star-studded na Kapuso Countdown.

Kabilang sa mga Kapuso star na masisilayan ay sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Bianca Umali, Christian Bautista, Aiai Delas Alas, Sanya Lopez, Ysabel Ortega, at Kyline Alcantara.

Kasama rin sa selebrasyon ang mga bagong "Sang'gre" na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva. Maging ang "Prinsesa ng City Jail" stars na sina ’s Sofia Pablo at Allen Ansay. Gayundin sina Bryce Eusebio, Betong Sumaya, at Pepita Curtis.

Sasamahan sila ng mga Kapuso singer sina Hannah Precillas, Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, John Rex, Thea Astley, at Zephanie, at ang "Tanghalan ng Kampeon" grand winner na si Tala Gatchalian at "The Clash 2024" winner Naya Ambi.

Nandoon din ang Sparkle stars na sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, at Lianne Valentin. Maging ang P-Pop fan favorites na KAIA at 1621 BC.

Makikisaya rin ang Kings of P-Pop na SB19.

Magbubukas ang gates ng 6:00 PM, at sa 8:30 PM, magsisimula ang on-ground show na pangungunahan ng singer-comedienne na si Jennie Gabriel upang pasimulan ang party at ihanda ang lahat para sa main show sa ganap na P10:30 pm.

Mapapanood din ang "Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso" sa 10:30 PM sa GMA7 at GMA Pinoy TV, pati na rin sa mga livestream sa YouTube ng GMA Network at iba pang online platforms ng GMA.

Ngunit paalala lang, bawal ang mga nakainom o nasa impluwensiya ng illegal substances, at may dalang ilegal na droga, at mga bata na below 3 feet ang taas.

Hindi rin papayagan na magdala ng matutulis na lagay, crash helmet o mga bagay na maaaring ipanghampas, mga flammable materials gaya ng lighter at kandila, o fireworks, kerosene, gasoline o katulad na mga bagay, maging aerosols, colognes na nasa pressurized container, at alcohol na nasa container na higit 100ml.-- FRJ, GMA Integrated News