Inilahad ni Mark Herras na may malalim na dahilan kung bakit hindi muna niya nakikita ang kaniyang unang anak.

“Gaano kasakit 'yung hindi mo nakikita ang una mong anak?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Mark sa kaniyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes.

“Actually Tito Boy parang ano siya, hindi ko na siya iniisip masyado. Kasi there's this na parang medyo ibang deeper na dahilan, kung bakit hindi na siya napag-uusapan or what,” tugon ni Mark.

“Pero nasasaktan ka?” pahabol na tanong ni Tito Boy.

“Actually, hindi siya nasasaktan. Pero parang, wala lang. Hindi ko na siya masyadong iniisip muna,” paliwanag niya tungkol sa anak nila ng dati niyang handler.

Samantala, magiging dalawa na ang anak nina Mark at asawa niyang si Nicole Donesa. Nito lang nakaraang taon inanunsyo nina Mark at Nicole ang paparating nilang baby no. 2. --FRJ, GMA Integrated News