Tumanggap ng pagkilala ang GMA Network, at ang mga Kapuso programs at personalities, sa 10th Platinum Stallion National Media Award 2025 ng Trinity University of Asia. Si Rochelle Pangilinan, nakatanggap ng kaniyang kauna-unahang acting award.

Sa ulat ni Audrey Carampel sa GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing itinangnal ang GMA Network bilang TV Station of the Year. Kinilala naman bilang Regional TV Network of The Year ang GMA Regional TV.

Ang ibang pagkilala ay natanggap ng mga sumusunod:

  • 24 Oras - Best TV News Program of the Year.
  • 24 Oras anchor Vicky Morales- Female News Anchor of the Year
  • Wish Ko Lang na host din si Vicky - Best Public Service Program
  • State of The Nation anchor Atom Araullo -- Male News Anchor of the Year
  • Kapuso Mo, Jessica Soho-- Best News Magazine Program
  • I-Witness-- Best Documentary TV Show
  • Unang Hirit -- Best Morning Show
  • Martin Javier -- Best TV Sports Program Host
  • Super Radyo dzBB -- Best AM Radio Station of the Year

Nagpadala ng video message para magpasalamat sa natanggap na awards si Oliver Victor B. Amoroso, na GMA Integrated News Senior Vice President and Head of Regional TV and Synergy.

Ayon naman kay Vicky, inspirasyon ang natanggap na award para mas maging responsable sa pagbabalita at pagbibigay ng impormasyon lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Nagpasalamat naman si Arnold sa lahat ng mga nakasama nilang gumising ng maaga sa loob ng 25 taon sa pang-umagang programa.

Sa larangan ng entertainment, nagwagi ang seryeng "Pulang Araw" bilang Best Primetime Drama Series at Socially Relevant TV Series.

Ang iba pang nagwagi ay sina:

  • David Licauco -- Best Primetime Drama Series Actor (Pulang Araw).
  • Sanya Lopez-- Best Primetime Drama Series Acctress (Pulang Araw).
  • Epi Quizon-- Best Primetime Supporting Actor (Pulang Araw).
  • Rochelle Pangilinan-- Best Primetime Supporting Actress (Pulang Araw)
  • Rayver Cruz -- TV Actor of the Year (Asawa ng Asawa Ko).
  • Julie Anne San Jose -- Music Artist of the Year.
  • Kapuso PPop Boy Group na Cloud 7-- Citation for Breakthrough Boy Group of the Year.
  • "It’s Showtime"-- Best Noontime Show

Inialay ni Sanya ang kaniyang natanggap na award para sa nakilala niyang comfort women na naging inspirasyon daw niya para paghusayan ang kaniyang pagganap sa serye.

Very meaningful naman kay Rochelle ang award dahil ito ang kanyang first acting award.-- FRJ, GMA Integrated News