Binalikan ni Iza Calzado ang pinagdaanang mental health issue na pinagdaanan ng kaniyang ina bago ito pumanaw, at sinabing wala siyang ibang hangad sa pagkuwento nito kundi ang katotohanan.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, nagbalik-tanaw si Iza noong matapang siyang nagsalita sa publiko noong 2019 tungkol sa nangyari sa kaniyang ina.

“I think noong 2019, hindi na ako ganoon katakot kaya ako nagsalita na. I was in a better place to share it and it was the best, I guess, way to share it,” sabi ni Iza.

Sinabi niyang noong mga panahong hindi pa siya nagsasalita, may takot siya dahil hindi pa gaanong pinag-uusapan ang tungkol sa mental health issue.

“Hindi pa siya ganu’n ka-widely understood. And until now, or accepted, you know, it was not talked about. I was new in the industry. What do you say? How do you say that? I didn't, in the beginning, I want to build a name based on that because you will be branded as that. But that was going to be your story. ‘Nanay niya ay…’ So when they would ask me, I would just say, ‘She died.’ And they were always free to assume whatever they wanted,” ayon kay Iza.

Bagama’t napag-uusapan na niya ang pagkamatay ng ina, inamin ni Iza na nakararamdam pa rin siya ng pighati sa tuwing naaalala ito.

“And, wow, I didn't realize it would carry that weight still,” sabi niya.

“But, yeah. I don't say it proudly. I don't want to attach anything to it except truth, and grief, of course. That's the only thing I attach to it. No longer shame, nor fear. No longer anything… worry, you know. Because at that time, siyempre the worry was, what if that's my path? How does that affect me?,” paliwanag niya.

Ikinatuwa ni Iza na mas mulat na ang publiko tungkol sa mga iba’t ibang pinagdadaanan ng tao.

“I mean, my mother was sick. She was bipolar. She battled with this since I was a child. Bata pa lamang po ako, ay nakikita ko na ang laban ng nanay ko. Dilim, ilaw. Dilim, ilaw,” sabi ng aktres.

Ayon kay Iza, “I didn't understand the way I understand now,” ngunit sa murang edad noon, kailangan niya itong harapin.

Inalala naman ni Tito Boy ang mga panahong nakatanggap ng masasakit na salita si Iza tungkol sa kaniyang ina.

“Yes, mahirap po. Mahirap pong karga ‘yun. Kasi may shame ‘yun eh. May takot at may shame na kasama ‘yun. Hindi ko rin siya maintindihan. It was embarrassing to hear that. Pero now, you can't even say that anymore. It's no longer politically correct,” sabi ni Iza.

“It is not human,” pagpapatuloy niya.

Dahil sa kaniyang pinagdaanan tungkol sa ina, sinabi ni Iza na mas naging matatag siya.

“Naging mas matatag ako. Alam ko, dahil sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, bata pa lamang ako, hindi lamang sa pagkamatay ng aking nanay, kundi sa pinagdaanan namin bilang pamilya, kasi there are paths to choose from. And one, this is what happened to me. So, talking about narratives that we put in our heads, I really chose to believe that I will do everything I can to have a better path than my mother. Whatever that takes. And it takes a lot of work, deliberate conscious work,” pahayag ng aktres.

“And sometimes that subconscious still wins. Tao lang po ako. Lahat tayo, we fight with our own demons inside. It's a war. It's a war that happens inside us. And lagi ko lang kinakapitan yung light because we are all made of light as well. Kaya laban talaga, laban lagi,” pagpapatuloy niya.

“Laban, light. ‘Yun lang ako, laban light,” sabi pa ni Iza. -- FRJ, GMA Integrated News

 

Kung kailangan o may kakilala na nangangailangan ng kausap, maaaring tumawag sa Hopeline sa telepono bilang (02) 804-4673; 0917-5584673.  Maaari ding tawagan ang National Center for Mental Health (NCMH) Luzon-wide landline (toll-free) sa numerong 1553;hotline 1553/ 0917-8998727/ 0917-9898727. Ang mga Globe at TM subscribers ay maaaring tumawag sa 0917 899 8727 o 0966 351 4518, habang Smart, SUN at TNT ay maaaring tumawag sa 0908 639 2672.