Nakita ng publiko si Kris Aquino sa unang pagkakataon nitong Martes mula nang bumalik sa Pilipinas mula sa Amerika kung saan siya nagpagamot.

Ayon kay GMA Integrated News reporter Aubrey Carampel, dumalo si Kris sa People Asia People of the Year 2025 awards night para suportahan ang kaniyang kaibigan na si Michael Leyva.

Nakasuot si Kris ng maliwanag na pink na blazer sa ibabaw ng dilaw na kasuotan. Nagsuot din siya ng floral skirt at dilaw na face mask.

 

 

Taong 2022 nang magtungo si Kris sa Amerika para ipagamot ang kaniyang multiple autoimmune conditions.  Bumalik siya sa bansa noong September 2024.

Kamakailan lang, sinabi ni Kris na pito na ang autoimmune diseases. —FRJ, GMA Integrated News