Ikinasal na ang aktor na si Cedrick Juan sa aktres na si Kate Alejandrino.

Ginanap ang garden wedding ng dalawa nitong Martes na makikita sa mga larawan na ipinost sa social media ng aktres na si Gabby Padilla.

Nag-post din sa Instagram stories sina Cedrick at Kate ng ilang larawan ng kanilang kasal.

Ginanap ang kasal halos dalawang linggo matapos ihayag ni Cedrick ang engagement nila ni Kate.

Oktubre 2024 nang unang nagpahiwatig si Cedrick ng ugnayan nila ni Kate sa isang post na naka-tag si Kate.

Nitong nakaraang Enero, isinapubliko na nila ang kanilang relasyon.

Naging maingay ang pangalan ni Cedrick nang manalo siya bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2023 para sa kaniyang pagganap sa historical film na "GomBurZa."—FRJ, GMA Integrated News