Pumanaw na ang 98-anyos na ama ni Angel Locsin na si Angel Colmenares.
Ang kaanak ng mga Colmenares na si Bago City, Negros Occidental Councilor Joseph Colmenares, ang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post nitong Huwebes.
“My Deepest Sympathy and Condolences to the Family of Angel Locsin. May You Find Eternal Peace and Happiness. Rest in Peace Lolo Budi," saad ng konsehal.
Ayon kay Joseph, ang kaniyang Lolo Budi ay kapatid ng kaniyang lolo na si Jesus Colmenares.
Maituturing na survivor ng pandemic si Angel Colmenares dahil nagpositibo siya sa COVID-19 noong 2021.
Saad sa post noon ng aktres, "It's been a week of feeling helpless. Imagine having [COVID-19] at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings."
Sa ngayon, walang pahayag ang aktres at ang pamilya kaugnay sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay. -- FRJ, GMA Integrated News

