Mapapanood na rin si Ashley Ortega sa action-packed series na “Lolong: Pangil ng Maynila!”
Inanunsyo ito ng GMA Network sa isang Instagram Reel na makikita ang pagdating ni Ashley sa set habang hawak ang script, at kasama ang director na si Rommel P. Penesa.
“Welcome to Lolong,” sabi ni Direk Rommel, habang nag-hello naman si Ashley sa production team.
“Ang independent Tis-ice princess ng San Juan na si Ashley Ortega, ay mapapanood n'yo na sa Lolong!,” saad naman sa caption ng post.
Makikita rin sa hiwalay na post sa Facebook ng GMA Public Affairs ang ilang paghahanda at ginagawang eksena ni Ashley kasama ang bida ng "Lolong" na si Ruru Madrid.
Mula sa lalawigan, magpapatuloy ang kuwento ni Lolong matapos siyang mapadpad sa Maynila nang mawala ang kaniyang kapangyarihan.
Matatandaan na kalalabas lang ni Ashley sa Bahay ni Kuya nang ma-evict sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” kasama ang Kapamilya star na si AC Bonifacio.--FRJ, GMA Integrated News

