Inanunsyo ni Lotlot De Leon nitong Huwebes ang wake services para sa kaniyang yumaong ina na si Nora Aunor.Magsisimula ang lamay ngayong Huwebes, Abril 17, at bubuksan ang The Chapels sa Heritage Park para sa pamilya ng Superstar mula 7 p.m. hanggang hatinggabi, na magkakaroon ng Misa ng 8 p.m.Sa Biyernes, Abril 18, maaaring bumisita ang pamilya at mga kaibigan ni Nora mula 1 p.m. hanggang hatinggabi.May Misa sa gaganap na ika-7 ng gabi.Magsisimula naman ang public viewing sa Sabado at Linggo, Abril 19 at 20, mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. lamang.Mula 5 p.m. hanggang hatinggabi, muli itong magiging eksklusibo para sa pamilya at mga kaibigan ni Nora. Gaganapin ang isang Misa ng 7 p.m.Sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 21, maaaring mag-alay ng kanilang huling paalam ang pamilya at mga kaibigan ni Nora mula 1 p.m. hanggang hatinggabi. May Misa ng 7 p.m.Gaganapin ang libing sa Abril 22 sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.Samantala, iaanunsyo pa ang detalye ng kaniyang state funeral.Pumanaw sa edad 71, kinilala si Nora bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022.Patok ang kaniyang bersyon ng mga kantang "Pearly Shells" at "Tiny Bubbles."Nakilala siya sa kaniyang mga iconic role sa mga pelikulang "Himala," "Bona," at "Minsa'y Isang Gamu-gamo." Kabilang sa mga huli niyang pelikula ang "Pieta" (2023) at "Mananambal" (2024). -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News