Tatlong pares ang mga male housemates ang nominado sa ikatlong eviction sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Sa episode nitong Linggo, ang mga tandem nina Dustin Yu at Ralph De Leon, Vince Maristela at Brent Manalo, at Michael Sager and Emilio Daez ang naging mga nominado para matanggal sa Bahay ni Kuya.
Sa nominasyon, nakakuha ang mga pares nina Dustin-Ralph at Michael-Emilio ng five points, habang 13 points naman sina Vince-Brent ay nakakuha ng 13 points.
Dahil dito, alinman sa tatlo ang magiging kauna-unahang pares ng mga lalaking mapapaalis sa Bahay sa Kuya.
Naunang napatalsik sa PBB ang pares nina Ashley Ortega and AC Bonifacio, at sumunod naman sina Charlie Fleming at Kira Balinger.
Samantala, safe naman sa nomination ang pares nina AZ Martinez at Bianca De Vera matapos silang manalo sa task o challenge.
Hindi din isinali sa nomination ang pares nina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat dahil bago pa lamang silang housemates.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. naman tuwing weekends. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News