Sinagot ni Kate Valdez ang komento ng netizen sa kaniyang post na naghihinalang buntis siya.

Sa joint TikTok account nila ng Japanese boyfriend na si Fumiya Sankai, nag-post ang dalawa ng video habang inaawit nila ang kanta ni Fumiya na, “Love Rock.”

Suot noon ni Kate ang isang spaghetti strap dress na may disenyo ng bulaklak at makikita ang kaniyang braso.

Komento ng isa nilang follower, “Buntis sya halata” na  may kasamang  smiley face emojis.

Sinagot naman ito ni Kate ng, “Last year pa yan ah! Kaloka kayo."

Dagdag pa ng aktres, "Edi bulok na yung bata sa tyan ko mga buang kayo,” na may laughing emoji.

Matatandaan na sinalubong nina Kate at Fumiya ang 2025 sa Taiwan at saka nagtungo sa Japan.

Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Kate sa nag-birthday na nobyo na, “My world is better because you exist.”

Naging usapan-usapan ang dalawa nang mag-birthday si Kate sa Hong Kong Disneyland noong Agosto, kasama si Fumiya. -- FRJ, GMA Integrated News