Ang tandem nina Michael Sager at Emilio Daez ang kauna-unang male housemates na na-evict sa 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'

Una rito, kasama nina Michael at Emilio na naging nominado sa eviction ngayong Linggo ang tandem nina Dustin Yu at Ralph De Leon, at Vince Maristela at Brent Manalo.

Ito ang ikatlong eviction sa season na ito ng PBB.

Nakakuha ng pinakamababang boto na 29.12% sina Michael-Emilio kaya sila ang napatalsik mula sa Bahay ni Kuya.

Ang tandem nina Dustin at Ralph, nakakuha ng 39.93%, at 30.95% naman sina Vince at Brent.

Unang na-evict sa bahay ni Kuya sina Ashley Ortega at AC Bonifacio, at sumunod naman sina Charlie Fleming at Kira Balinger.

Napapanood ang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. naman sa weekends. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News