Kung hindi mapapanood nang live ang Miss Universe Philippines 2025 coronation sa May 2, 2025, maaari naman itong balikan at panoorin sa May 4 sa Kapuso Network.
Sa Instagram post, inanunsyo ng Kapuso Network na ipalalabas ang delayed telecast ng pageant night sa May 4, Linggo, sa GMA Network at GTV.
"Relive the thrilling moments from the Miss Universe Philippines 2025 Coronation Night!," saad sa caption.
Animnapu’t pitong (67) kandidata ang maglalaban-laban para sa korona ng Miss Universe Philippines 2025, kabilang ang Sparkle beauty queen at Reina Hispanoamericana 2017 na si si Winwyn Marquez.
Nakatakdang ganapin ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2025 sa May 2, 6 p.m., sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang kokoronahang Miss Universe Philippines ngayong taon at ang kasalukuyang Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2025, na gaganapin sa November 21 sa Impact Muong Thong Thani Arena sa Bangkok, Thailand.
Nauna nang inanunsyo ng Miss Universe PH ang Top 10 sa Swimsuit Showcase na sina:
1. Benguet – Maiko Ibarde
2. Bohol – Tyra Goldman
3. Isabela – Jarina Sandhu
4. Las Piñas (Filipino Society of Canada - West) – Kristel David
5. Naga City (Filipino Society of Virginia)– Zoe Sofia Gabon
6. Pangasinan – Andrea Cayabyab
7. San Fernando, Cebu – Thelma Suzanne Dayao
8. San Jose, Batangas (Filipino Society of Canada - East) – Jessica Victoria Cianchino
9. Siargao – Millen Joy Cabigas
10. Siniloan, Laguna – Yllana Marie Aduana
Samantala ang Top 10 sa Runway Showare In alphabetical order ay sina:
1. Bago City (Filipino Society of San Francisco) - Kayla Jane Usison
2. Baguio City- Gwendoline Meliz Soriano
3. Benguet - Maiko Ibarde
4. Iligan - Juliana Acut Fresado
5. Laguna - Eloisa Jauod
6. Malay, Aklan (Filipino Society of Southern California ) - Taylor Marie de Luna
7. Muntinlupa - Terisita Winwyn Marquez
8. Pangasinan- Andrea Cayabyab
9. Pasay (Filipino Society of Pennsylvania) - Amanda Russo
10. Taguig - Katrina Llegado
-- FRJ, GMA Integrated News