Matapos sumalang sa bagong challenge, nagkaroon ng kani-kanilang bagong ka-tandem ang mga housemate sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode nitong Lunes, isinalang sa bagong task ang housemate upang magkaroon sila ng pagkakataon na makapili ng kanilang magiging ka-tandem.

Makakapili ang housemates batay sa kanilang magiging ranking sa isinagawang challenge.

Ang task, gumamit ang housemates ng kendama at dapat nilang mailagay o masalo ang bola na nakatali.

Si Ralph De Leon ang nakakuha ng top spot at pinili niyang bagong kapareha si Josh Ford.

SI Vince Maristela na second place, pinili naman si River Joseph, na sinundan ni Dustin Yu na pinili si Xyriel Manabat.

Si Klarisse De Guzman, si AZ Martinez ang pinili, habang si Mika Salamanca, si Esnyr ang bagong ka-partner.

Pinili naman ni Will Ashley si Brent Manalo, at sina Bianca De Vera at Shuvee Etrata ang huling nabuong grupo.

Narito ang bagong duos sa PBB:

    Ralph De Leon and Josh Ford
    Vince Maristela and River Joseph
    Dustin Yu and Xyriel Manabat
    Klarisse De Guzman and AZ Martinez
    Mika Salamanca and Esnyr
    Will Ashley and Brent Manalo
    Bianca De Vera and Shuvee Etrata

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at sa ganap na 6:15 p.m. sa weekends. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News