Ang pambato ng Quezon na si Ahtisa Manalo ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2025!
Nangibabaw si Ahtisa sa 65 na kandidata sa coronation night nitong Biyernes ng gabi na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Si Miss Universe Philippines 2024 at reigning Miss Universe Asia Chelsea Manalo, ang nagpatong sa kaniya ng korona.
Nakasama ni Ahtisa sa Top 6 ang mga kandidata na sina:
- Chelsea Fernandez - Sultan Kudarat (PINA Beauty Voting Showcase winner)
- Yllana Aduana - Siniloan, Laguna
- Winwyn Marquez - Muntinlupa
- Katrina Llegado - Taguig, at
- Gabriella Carballo - Cebu City
1st runner-up si Winwyn Marquez ng Muntinlupa, habang 2nd runner-up naman si Yllana Adanua ng Siniloan, Laguna.
Samantala, si Katrina Llegado ng Taguig City ang itinanghal na Miss Supranational Philippines, habang si Gabriella Carballo ng Cebu City ang Miss Eco International Philippines.
Nagwagi rin si Chelsea Fernandez ng Sultan Kudarat bilang Miss Cosmo Philippines.
Kakatawanin ni Ahtisa ang bansa sa Miss Universe 2025, na gaganapin sa November 21 sa Impact Muong Thong Thani Arena sa Bangkok, Thailand. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News

