Ginamit ni Ahtisa Manalo ang kaniyang pagkakadapa sa evening gown competition para magkaroon ng defining moment at koronahang Miss Universe Philippines 2025.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, nagbigay ng pahayag si Ahtisa tungkol sa kaniyang pagkapanalo.

'I'm very happy, but I'm also overwhelmed. Parang hindi pa nagsisink in masyado sa akin. Finally, I'm so happy. Thank you for all the support and love. I really felt it all throughout,” anang Miss Universe Philippines 2025.

Nagbigay din siya ng pahayag sa kaniyang pagkadapa sa evening gown competition.

“Hindi ko nga alam eh. I think I'm still on adrenaline. I don't know kung ano, kamusta ‘yung pa ako. But laban lang,” sabi ng beauty queen.

Ginamit ni Ahtisa ang kaniyang pagkakadapa para magkaroon ng winning answer sa Question and Answer portion ng paligsahan.

“I fell a while ago on stage. And the thing with me is whenever I fall in life, I always make sure I come back stronger. Last year I was here on the stage, and for the second time this year, I’m here, putting everything on the stage to be Miss Universe Philippines,” sabi ni Ahtisa sa Q&A.

Ipinasa kay Ahtisa ang korona ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.

Ito na ang ikalawang sabak ni Ahtisa sa Miss Universe PH.

Noong nakaraang taon, wagi si Ahtisa bilang Miss Cosmo Philippines 2024 at nakapasok sa top 10 ng international pageant.

Noon namang Binibining Pilipinas 2018, siya ang pambato ng Miss International at naging first runner-up.

Si Ahtisa ang kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe 2025 sa Nobyembre sa Thailand.

First runner-up sa Miss Universe Philippines 2025 si Winwyn Marquez, si Yllana Marie Aduana ang second runner-up, at Chelsea Fernandez ang Miss Cosmo Philippines 2025.

Si Gabrielle Carvalho ang Miss Eco International Philippines 2025 at Miss Supranational Philippines 2025 si Katrina Llegado. 

Hosts sina Sparkle Artist Gabbi Garcia at Kapuso Actor Xian Lim, habang isa sa mga hurado si Bianca Umali.

Mapanonood ang Miss Universe Philippines 2025 Coronation Night sa GMA at GTV sa Linggo, May 4. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News