Inihayag na ang tatlong pares ng housemates na nominado sa ika-apat na eviction sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode nitong Linggo, nakatanggap ng Bianca De Vera at Shuvee Etrata ng automatic nomination dahil sa kanilang violation tungkol sa paggamit ng lapel microphone.

Nominated din sa eviction sina Josh Ford-Ralph De Leon na nakatanggap ng nine points, at sina Xyriel Manabat-Dustin Yu na may six points.

Nakakuha naman ng immunity sina Mika Salamanca at Esnyr dahil sa pagkapanalo nila sa duo battle.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. naman sa weekends. —FRJ, GMA Integrated News