Itatampok ni Matteo Guidicelli sa bagong dokyu ng GMA Public Affairs na "Philippine Defenders" ang kuwento ng dedikasyon, sakripisyo at katapangan ng mga sundalong Pilipino. Ipakikita rin niya ang kalagayan ng mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea.Sa virtual media interview nitong Miyerkules, inilarawan ng Kapuso star na “mind-blowing” ang kaniyang karanasan nang magpunta sa WPS.“It's very difficult to believe na these large Chinese vessels are slowly creeping up in our shores and our men and women in uniform are there establishing their presence," sabi ni Matteo."They need more exposure. Kawawa din sila,” sabi pa ni Matteo na iginiit na dapat mabigyan ang naturang mga naturang sundalo ng dagdag na atensyon at importansiya.“Kung nakikita mo kung anong mga supplies na meron sila, kung anong ginagawa nila, talagang kailangan—it has to be given more importance,” saad ni Matteo.Itinuturing din ng aktor na “enlightening” para sa kaniya ang makita rin ang sitwasyon doon ng mga taong nakatira.“Nung pumunta kami doon, ‘yung mga locals doon, you know, they still had the Filipino spirit. ‘Yung talagang kahit kahit saan mo ilagay, may smile pa rin sa mukha. Alam mo ‘yun? That's the Filipino spirit,” aniya.Umaasa si Matteo na sa pamamagitan ng dokyu na “Philippine Defenders” ay mahihikayat pa lalo ang mga Pilipino na pag-usapan ang usapin sa West Philippine Sea.“Dahil iba eh, you know, if we don't give it attention, if we don't give it importance, talagang they're coming closer kumbaga,” sabi ng aktor.Ayon sa program manager na si Sherilyn Bruan, napili ng production team si Matteo na maging host ng proyekto dahil sa kaniyang personal experience bilang isang reservist na makapagbibigay ng insights at may kakayahang ipaunawa sa publiko ang nais iparating ng kuwento.“Wala kaming ibang nakikita kung sino ang best na magho-host nito kundi si Matteo. Kasi as a reservist, iba ‘yung insights niya, iba ‘yung input niya, iba ‘yung texture at tsaka ‘yung kaniyang experience na na maiko-contribute to the story. Iba yung first hand na experience na nashe-share din ni Matteo dito,” paliwanag ni Bruan.Bukod sa kalagayan ng mga sundalo sa WPS, ipakikita rin sa “Philippine Defenders” ang kuwento ng kabayanihan at sakripisyo ng iba pang mga sundalo.Mapapanood ang “Philippine Defenders” sa GMA Network sa darating na Sabado sa ganap na 3:15 p.m. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News