Proud girlfriend si Yassi Pressman na binati ang kaniyang nobyo at "bubba" na si Luigi Villafuerte na nagwaging congressman para sa 2nd district ng Camarines Sur.
"Congratulations bubba," saad ng aktres sa kaniyang Instagram post ng bagong halal na mambabatas na hindi raw niya pinagdudahan ang panalo.
"We are excited for all the great things that you will do next," sabi ni Yassi.
Kasama rin sa mensahe ni Yassi ang larawan na yakap si Luigi sa ginanap na proklamasyon ng nobyo.
"You have the biggest most genuine heart to serve and you're always putting your people first," ayon kay Yassi.
Samantala, naiproklama na rin ang iba pang celebrity na nagningning din ang bituin sa balota nitong nagdaang halalan.
BASAHIN:Ilang celebs na wagi at 'di pinalad sa Eleksyon 2025, alamin
Tuloy na ang pagbabalik ni Isko Moreno bilang mayor ng Maynila matapos ang kaniyang proklamasyon. Nakakuha siya ng 529,507 na boto, batay sa 99.75% ng naprosesong election returns sa Maynila.
Wagi siya laban kina Honey Acuna, may 190,315 na boto, Sam Verzosa, may 164,047 na boto, at Raymond Bagatsing na may 6,232 na boto.
Iprinoklama rin si Richard Gomez bilang 4th district representative ng Leyte na kaniyang ikalawang termino. Nagwagi rin ang kaniyang misis na si Lucy Torres-Gomez bilang alkalde ng Ormoc.
Iprinoklama naman si Angelu De Leon bilang isa sa mga nahalal na konsehal sa District 2 ng Pasig City, na nakakuha ng 171,348 na boto batay sa 98.27% ng naprosesong election returns sa Pasig.
Wagi na rin si Aiko Melendez bilang konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City, matapos makakuha ng 142,495 na boto.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.