Dinagsa ng mga nais maging kapangkat ng Kapuso comedy gag show na "Bubble Gang" ang isinagawang audition nitong Lunes.Sa ulat ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," makikita ang dami ng mga tao na pumila sa GMA Annex Studio para sa "Bubble Gang ng Bayan" audition."Ang gusto natin 'yung gang na word sa 'Bubble Gang' ay maging totoong gang talaga. Mas malaki, mas malawak at mas maraming nasasakop na tao atsaka humor sa society," abi ni Michael V.Nakatakdang ipagdiwang ng longest-running gag show sa bansa ang kanilang 30th anniversary sa Oktubre.Bukod sa talent search, may inihahanda secret project ang gag show.Sa episode nitong Linggo, inilabas sa "Bubble Gang" ang pinakabagong parody song ni Michael V na "Feeling," na hango sa kanta ni Dionela na "Sining."Mayroon nang mahigit 2 milyon views ang video nito sa loob lang ng isang araw.Ang "Feeling" ay tungkol sa mga "tito" at "tita" na nakikipagsabayan pa rin sa mga "bagets."Napapanood ang "Bubble Gang" tuwing Linggo sa ganap na 7:15 p.m. sa GMA Network. —FRJ, GMA Integrated News