Sa pamamagitan ng "wildcard slots," nakabalik sa Bahay ni Kuya sina Ralph De Leon at Charlie Fleming. Pero kasama nito ang challenge sa mga lalaking housemate na itago sila mula sa mga babaeng housemate.

Sa episode ng "Pinoy Big Brother Celebrity: Collab Edition" nitong Lunes, inanunsyo ni Kuya ang "The Big Taguan" challenge sa male housemates na sina Will Ashley at River Joseph ang itinalagang lider.

Ang challenge sa mga male housemate, magtago ng dalawang "bagay" mula sa mga girl housemate sa loob ng isang linggo.

Ang bawat maitatago nilang "bagay" ay katumbas ng 50% ng kanilang weekly budget.

Una nang nalaman ng male housemates na isa sa kanilang itatagong "bagay" ay si Ralph na nagtago sa aparador.

Dito nagplano ang mga male housemate kung paano nila itatago si Ralph.

Ipinaalam din ni Kuya kay Charlie ang task sa mga male housemate na itago siya mula sa mga girl housemate.

Abangan ngayong linggo kung magtatagumpay ang mga boys sa task na ibinigay sa kanila ni Kuya.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weekdays sa ganap na 10 p.m. at sa weekends sa ganao na 6:15 p.m. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News