Sumalang ang Vivamax star na si Jenn Rosa sa blind date segment ng "The Boobay and Tekla Show." Dito, tinanong ang sexy actress kung ano ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki para pumasa bilang jowa niya.

Sa naturang segment, pipili si Jenn sa tatlong Kapuso actor na puwede niyang maka-date na sina Abed Green, Kim De Leon, at Jay Arcilla.

Sa naturang segment, tinanong ng mga host na sina Boobay at Tekla kung ano ang tipo ng lalaki ni Jenn.

"Mabait, palasimba, marespeto, tapos kailangan masarap... magluto," ayon kay Jenn.

Dagdag pa ni Jenn, gusto niya sa lalaki na masarap magluto dahil mahilig siyang kumain. 

Pinakaborito umano niyang putahe ang sinigang na baboy.

"Yung lang ang kinakain kong baboy. I don't eat pork pero kung sinigang [ok]," paliwanag niya. 

Nitong nakaraang Pebrero, naging bisita si Jenn sa "Fast Talk with Boy Abunda," kung saan ibinahagi niya naranasan na rin niya na pisikal na sinaktan ng dating karelasyon.

Aniya, "red flag" ang pananakit ng lalaki sa isang babae kaya dapat kumalas na sa ganoong relasyon.

“Para sa'kin, dapat kayong mga girl, tapangan niyo.'Pag nakaranas na kayo ng kahit konting pisikal, kasi sign na 'yun, e. Red flag na 'yun, girls, magtutuloy-tuloy sila kapag once na pumayag kayong saktan kayo," payo ni Jenn.

Sinabi rin ni Jenn sa naturang panayam na single siya mula nang magpasyang pumasok sa Vivamax.

“Kasi nu'ng nag-decide ako nu'ng pumasok ako ng Vivamax, no jowa talaga. Kasi, siyempre, hindi ko mabibigay 'yung lahat ko, Tito Boy, 'pag sa scene kasi iisipin ko siya, e,” paliwanag niya.

Sino naman kaya kina Abed, Kim, at Jay ang napili ni Jenn sa naturang blind date segment ng TBATS? Alamin sa video.-- FRJ, GMA Integrated News