Discharged na rin sina Jimin at Jungkook ng BTS mula sa kanilang mandatory military service.

Nag-Weverse Live session sina Jimin at Jungkook at binati ang BTS ARMY, kung saan sinabi nilang miss na nila ang fans at pinasalamatan sila sa paghihintay.

Sa Instagram story naman ni J-Hope, makikita sina Jimin at Jungkook na sinalubong ng staff na may mga flashlight, at binigyan ng mga bouquet ng bulaklak.

Sa ulat naman ng Balitanghali, makikita sa isang video na sinalubong sina Jimin at Jungkook ng malakas na hiyawan ng fans sa Yeoncheon Public Stadium, South Korea umaga nitong Miyerkoles.

Sina Jimin at Jungkook ang ika-lima at ika-anim na mga miyembro ng BTS na nakakumpleto ng military service, matapos ang discharge nina RM at V noong Martes.

Ayon kay Jimin, hindi biro ang journey ngunit looking forward na siyang ipakita ang kaniyang better version.

A "heart full of gratitude" naman si Jungkook, na nagpasalamat sa gabay at suporta ng kaniyang seniors at juniors sa military.

Tiyempo ang kanilang paglabas para sa Festa, na debut anniversary celebration ng BTS hanggang Hunyo 13.

Nag-enlist sa militar noong 2022 ang mga miyembro ng BTS, simula sa pinakamatandang si Jin, na sinundan ni J-Hope. Na-discharge na sila noong 2024.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News