Nagbigay ng payo ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa mga housemate sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode nitong Miyerkules, ipinakita na ang pagpasok ng Global Fashion Icon sa Bahay ni Kuya bilang bagong house guest.

Nagbigay siya ng kaniyang pananaw tungkol sa showbiz, landas na tatahakin at maging sa relationships.

Nang magtanong siya sa mga housemate tungkol sa mga ex, si AZ Martinez ang napili nilang magbahagi ng karanasan.

"Admittedly I was toxic and he was toxic also. We were both toxic. Dito ko na-realize na pinipilit ko na lang kahit hindi na dapat kasi there was a time na dapat mag-wo-walk away na siya. Pinilit ko," saad niya.

"I asked him to stay. Hindi ko rin kaya mag-isa. Sobrang dependent ako sa kanya. and I really wanted it to last but I ignored all the signs," dagdag niya.

Inihalintulad ni Heart sa virus ang proseso ng pag-move on sa isang toxic na relasyon.

"Para lang 'yan virus. Mamamatay din 'yang virus na 'yan. With a habit, it takes two weeks to break a habit. It only takes two weeks," aniya. "If you know it's toxic, why are you gonna waste your beauty? Why are you gonna waste your time when you could be with the right person?"

"When you get out of here you'll be a different person because of your experiences. Don't go back to him," sabi pa ni Heart.

Bukod sa pagbibigay ng payo, naghanda rin si Heart ng makakain at nagbahagi ng hilig niya sa painting para sa kaniyang tutulungan.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weeknights sa ganap na 10:05 p.m. at sa Sabado sa ganap na 6:15 p.m. —FRJ, GMA Integrated News