Ilang Kapuso artists ang dumalo sa star-studded na gabi ng Mega Ball ngayong 2025.
Tulad ng inaasahan, agaw-pansin si Heart Evangelista sa suot niyang puting damit na may plunging neckline, habang bitbit ang isang gold moon-shaped clutch, at suot na mga eleganteng alahas.
Nandoon din si Winwyn Marquez, na first runner-up sa Miss Universe Philippines 2025, suot ang kaniyang sexy black and white outfit at ibinida ang toned abs.
Dumalo rin sina Cassy Legaspi, Max Collins, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, at Mavy Legaspi.
Rumampa rin ang dating mga dating housemate ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” na sina Michael Sager at Vince Maristela.
Dumalo rin ang mga Miss Universe Philippines queens na sina Ahtisa Manalo at Chelsea Manalo.
Nakita rin sa ball sina Sparkle First Vice President Joy Marcelo at mga Status by Sparkle content creators na sina Brandon Espiritu, Emman Atienza, at Cat Arambulo.
—Nika Roque/FRJ, GMA Integrated News

