Emosyonal na inilahad ni Kylie Padilla na gusto niyang matuto pang magmahal, at huwag magpadala sa naranasang mga trauma sa kaniyang nakaraan.“I’m trying something new kasi marami akong—ako, ‘di ko na-survive ‘yung gano’ng nangyari sa ‘kin. Alam niyo naman lahat ‘yon. So I’m trying something new where I’m trying to understand how God would love,” sabi ni Kylie sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.“I’m trying to understand how God would love. If God can love me and forgive me and come from a place na hindi nauubos, baka kaya ko rin. Lagi akong nagdadasal na ‘Teach me how I can love the way you do.’ Kasi I don’t wanna be shaped by the bad things that traumatized me or that hurt me,” pagpapatuloy niya.Sinabi ni Kylie na para na rin ito sa kaniyang mga anak.“I want my kids to see that no matter what happened to you, you still should come from a place of love. So ‘yun ‘yung outlook ko with love right now. Kasi for a time din naging bitter din ako, ‘di ba? So the only way I feel I can be healed is higher being na,” paliwanag niya.Sa naturang panayam, inamin ni Kylie na may nagpapatibok ngayon sa puso niya.May anak si Kylie sa dating niyang asawa na si Aljur Abrenica, na sina Alas at Axl.Naghiwalay sina Kylie at Aljur noong 2021. Kalaunan, inamin ni Aljur na nag-cheat siya kay Kylie.Matapos maghiwalay, lumipat sina Kylie at dalawa nilang anak sa isang bagong tahanan.Bibida sina Kylie at Kazel Kinouchi sa "My Father's Wife" kasama sina Gabby Concepcion Jak Roberto at marami pang iba, na mapanonood na sa Hunyo 23 sa GMA Network. -- FRJ, GMA Integrated News