Inihayag ni Ice Seguerra na pumanaw na ang kaniyang ina na si Mommy Caring nitong Biyernes ng umaga.

“This morning, at 7:54 AM, our family said goodbye to the most amazing woman I’ve ever known: my mom, Mommy Caring,” sabi ni Ice sa kaniyang public post.

Nagbalik-tanaw si Ice sa “full and beautiful life” ni Mommy Caring, na inilarawan niyang “my first teacher, my constant cheerleader. My rock.”

“She was strong, kind, funny in her own quiet way, and always, always there. Mula bata pa ako hanggang ngayon, she never left my side. Every show, every gig, every milestone, she was there. She was always present,” saad ng mang-aawit.

“Papadalhan ako ng mga paborito kong pagkain, masahe kapag masakit ang ulo ko. She made sure she was there kahit may sarili na kaming mga buhay. Walang palya,” patuloy ni Ice.

Dagdag pa ni Ice, sinusuportahan siya ni Mommu Caring, hindi lang sa kaniyang career bilang isang artista, kundi bilang isang anak.

“She was my fiercest protector. She accepted me and embraced me for who I am, especially who I am not,” sabi ni Ice.

“Losing her this morning feels like losing a part of myself,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Ice na ipinangako niya sa kanyang ina na magiging matapang siya sa pagharap sa mga hamon sa buhay, isang katangian na natutunan niya mula sa ina.

“I won’t fail you. Promise ko ‘yun,” ani Ice.

Hindi naman nagdetalye si Ice tungkol sa sanhi ng pagkamatay ng ina. Naiwan ni Mommy Caring si Ice at ang kaniyang kapatid na si Juan Carlos Miguel.

Sinabi ni Ice iaanunsyo nila ang mga detalye ng lamay sa lalong. Humingi siya ng dasal at pagmamahal para sa kanilang pamilya, lalo na kay Mommy Caring.

“Salamat po sa lahat ng nakasama namin sa buhay niya. Salamat sa lahat ng nagmahal at tinuturing din siyang nanay. You all made her very happy,” sabi ni Ice.

“We’ll miss you forever, Mama. Pero magkasama na kayo ni Daddy. And that gives me comfort,” dagdag niya. “Mahal na mahal kita, mama ko.”

--Nika Roque/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News