Inilahad ni Dustin Yu na nais niyang ipagpatuloy ang magandang samahan at pagkakaibigan nila ni Bianca De Vera matapos silang ma-evict sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Sa eksklusibong panayam ng GMA News Online, sinabi ni Dustin na pananatilihin niya ang kaniyang koneksyon sa young actress sa outside world.
“Naka-build na kami ng strong foundation sa loob. At grabe yung friendship na mayroon kami sa loob ng Bahay ni Kuya. So, for me, wala akong makitang rason kung bakit hindi namin yun dapat ituloy sa labas,” sabi ni Dustin.
Dagdag pa niya, mayroon na silang "genuine friendship" ni Bianca, at masaya siya sa malalim na pundasyong kanilang nasimulan sa loob ng Bahay ni Kuya.
“First, genuine friendship siya. Second, we're both happy. I'm happy na naka-build kami ng gano'ng foundation,” anang Sparkle star.
Kilala sa duo nilang "DustBia," maraming fans ang pabor sa kanilang samahan noong nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Inamin noon ni Dustin ang kaniyang nararamdaman para kay Bianca. Si Bianca naman, inilarawan si Dustin bilang kaniyang "platonic other half."
Sina Dustin at Bianca ang huling housemates na napaalis sa Bahay ni Kuya matapos matalo sa duo nina Brent Manalo and Mika Salamanca (BreKa) sa Big Jump Challenge.
Kasama na ngayon ng BreKa sa final four duo ang duo nina: Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes), Will Ashley at Ralph De Leon (RaWi), at AZ Martinez at River Joseph (AzVer).
Sa Hulyo 5 na ang inaabangang The Big Night.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network na mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 9:35 p.m. — Jade Veronique Yap/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

_2025_07_01_11_57_00.jpg)