Nangungunang palabas sa Viu Philippines! ang revenge-drama series na “Beauty Empire” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.

Inanunsyo ito sa social media post ng GMA Public Affairs kasabay ng pagsisimulang umere ng palabas sa GMA Prime nitong July 7.

Sa direksyon ni Mark Dela Cruz, ang "Beauty Empire" ay tungkol sa ambisyon, paghihiganti, at kapangyarihan sa beauty industry ng mga babaeng karakter.

Kasama nina Barbie at Kyline sa serye sina Sid Lucero, Sam Concepcion, Chai Fonacier, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz, at South Korean actor Choi Bo Min.

Napapanood ang “Beauty Empire" sa Viu, at sa GMA Prime tuwing Lunes hanggang Huwebes sa ganap na 9:35 p.m.— mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ, GMA Integrated News