Inilahad ni Kelvin Miranda na muntik na siyang mabiktima ng scam matapos may mag-alok sa kaniya ng pekeng proyekto.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ni Kelvin na may tumawag sa kaniya at may iniaalok na isa umanong malaking proyekto.

Ngunit naging alerto si Kelvin dahil sa may napansin siyang "red flags." Kalaunan, napagtanto ng “Encantadia Chronicles: Sang'gre” star na peke ang iniaalok sa kaniyang proyekto.

“Ang lakas ng gut feel ko na hindi ko ma-explain kung paano ko nararamdaman ‘yung mga taong ganu’n ‘yung estilo nila. So thankful na lang ako na hindi talaga siya nangyari,” sabi ni Kelvin.

Napapanood ngayon si Kelvin sa “Encantadia Chronicles: Sang'gre,” bilang si Adamus, na nakapangalaga ng Brilyante ng Lupa. –Jamil Santos/ FRJ GMA Integrated News