Sa harap ng kaniyang pagluluksa, hindi itinago ni Rufa Mae Quinto na mahal pa rin niya ang namayapa niyang estranged husband na si Trevor Magallanes, at may ipinangako siya rito.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng larawan ng kanilang pamilya ni Trevor, kasama ang nag-iisa nilang anak na si Athena.

Saad ni Rufa Mae sa caption: “I promise to take care of our daughter, we can’t stop thinking of you.”

“Mahal ka namin officer Magallanes,” dagdag pa ni Rufa Mae patungkol sa pagiging dating miyembro ni Trevor sa San Francisco Police Department.

Pumanaw si Trevor noong July 31, pero hindi binanggit sa kung anong dahilan.

Sa hiwalay na Facebook post, aminado ang aktres na labis pa rin siyang nabibigla na isa na siyang balo dahil hindi kasal pa rin sila ni Trevor at walang gumawa ng hakbang para pawalang-bisa ang kanilang kasal.

Taong 2016 nang magpakasal ang dalawa. Pero nitong nakaraang Enero, inihayag ni Rufa Mae na dumadaan sa pagsubok ang pagsasama nila ni Trevor.

Nitong nakaraang Mayo, sinabi ng aktres na kasal pa rin sila ni Trevor pero, “Kung ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko ‘yon.” — mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ GMA Integrated News