Naghain ang aktres na si Gretchen Barretto ng kaniyang counter-affidavit sa reklamong inihain laban sa kaniya at sa negosyanteng si Atong Ang. Kaugnay ito sa kaso ng nawawalang mga sabungero.
Personal na dumalo si Barretto sa preliminary probe sa Department of Justice nitong Huwebes.
Tinawag ng kaniyang abogado ang mga paratang laban kay Barretto na “unsubstantiated.”
“The reason we’re filing a counter-affidavit right now… based on what we have been saying from the very beginning that we feel that the accusations against her are unsubstantiated, incredible, and there’s every basis for the complaint to be dismissed,” sabi ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Barretto, sa isang panayam.
Nang tanungin ang aktres kung naniniwala siyang magiging patas ang imbestigasyon, sagot ni Barretto, “I trust.”
Ang reklamo ay para sa serious illegal detention at multiple murder, at iba.
Kabilang din sa mahigit 60 respondents ang dating hepe ng National Capital Region Police Office na si retired Police General Jonnel Estomo, na personal ding dumalo sa pagdinig.
Samantala, kinatawan si Ang ng kaniyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal. – Joahna Lei Casilao/Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
Gretchen Barretto, naghain ng counter-affidavit sa DOJ; abogado, sinabing 'unsubstantiated' ang mga akusasyon
Setyembre 18, 2025 4:01pm GMT+08:00

Si Gretchen Barretto sa DOJ para maghain ng kaniyang Counter Affidavit. Photo by Joahna Lei Casilao/ GMA Integrated News
