Mas maaga nang mapapanood tuwing Linggo ang programang “Biyahe ni Drew,” na ang lalawigan naman ng Sarangani ang pinuntahan kasama si Ashley Rivera. Ang aktres, nabighani sa ganda ng lalawigan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, ipinakita ang pagpunta ng host ng programa na si Drew Arellano at Ashley sa Pangi river na isa sa mga ilog sa Mindanao na may pinakamalinis na tubig.

Sa naturang ilog, sinubukan nila ang white-water tubing, at hindi umatras si Ashley.

“First time ko and I’m sure this wont be the last,” sabi ng gumaganap bilang “Mukha ng Batis ng Katotohanan” sa Kapuso series na “Encantadia Chronicles: Sang'gre’s."

“Ang saya ko! Sobrang nag-enjoy ako,” dagdag niya.

Tinikman din nila ang mga local delicacy ng lalawigan gaya ng “tinagtag.” Hindi rin umano mabubutas ang bulsa sa pagkain ng mga pupunta rito dahil may mabibiling pagkain na isang takal na kanin na may kasamang ulam sa halagang P10.

Mapapanood ang "Biyahe ni Drew" sa Linggo sa ganap na 6:10 p.m. sa GTV channel, at via GMA International channel, GMA Life TV para sa mga Kapuso sa abroad. – FRJ GMA Integrated News