Mag-asawa na ngayon sina Gian Magdangal at Lara Maigue matapos ikasal nitong Oktubre.

Batay sa Instagram post ng Sparkle, nagpakasal ang magkasintahan sa isang seremonya sa simbahan. Naka-off-shoulder gown si Lara habang suot naman ni Gian ang isang grey suit.

Sa kanilang espesyal na araw, inilabas din nina Gian at Lara ang kantang “If You Only Knew,” na kanilang nilikha.

"A song released on the most meaningful day of our live," sabi ng mag-asawa sa kanilang kanilang joint Instagram post.

Naging magkasintahan sina Gian at Lara mula noong 2021. Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong Hulyo 2025.

Si Gian ay isang theater actor at bumida sa mga musical gaya ng "Come Far Away," "Dear Evan Hansen" sa Singapore, at "I Love You, You're Perfect, Now Change" sa ilalim ng Reportory Philippines.

Samantala, classical opera singer naman si Lara na siyang nanguna sa pag-awit ng pambansang awit sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong 2023. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News