Pinabulaanan ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy ang maling akala ng ilan na estrikto ang mga magulang nilang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi pagdating sa kanilang mga lovelife. Katunayan, hinahayaan daw silang pumili ng kanilang nagugustuhan.
Sa kanilang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, diretsahang tinanong sina Mavy at Cassy ni Tito Boy kung nakikialam ang kanilang mga magulang pagdating sa kanilang buhay pag-ibig.
“No, they don't. Unless we ask for advice or anything like that. That's when they share a bit pero at the end of the day, again po, they always say, ‘It's up to you, it's your life, it's your decisions. Pero if you need advice, if you need guidance, we are just here,’” tugon ni Cassy.
Ayon naman kay Mavy, maling akala lang ng iba na mahigpit ang kanilang magulang sa kanilang lovelife.
“They're relaxed individuals. I think that's the biggest misconception na estrikto sila sa pag-ibig. At the end of the day, they just let us love,” ani Mavy.
Kuwento pa ni Mavy, nagulat pa sina Carmina at Zoren sa bago niyang relasyon kay Ashley Ortega. Iyon din umano ang reaksyon ng kanilang mga magulang sa mga nakaraan niyang nakarelasyon.
“For example, with Ashley and I now, nagulat na lang sila. It's always been like that. Even with my past, whatever. They are just very lenient,” anang binata.
Sumang-ayon naman si Mavy kay Tito Boy na pagdating sa kambal na siya ang may mas kontrobersyal na lovelife.
Inilahad niya kung paano naapektuhan nito ang relasyon niya sa mga magulang.
“First of all, it wasn't easy, of course. I mean, of course I was disappointed in myself, because I knew I could say a lot of things but I'm a man of my word. I don't fight the opposite sex,” saad niya.
Nanindigan si Mavy na mataas ang respeto niya sa mga kababaihan, at handa siyang matuto sa kaniyang mga pagkakamali.
“It will always be on the Bible for me. I will not do that because I respect my sister, I respect my grandmother, and I respect my mother so much. And yeah, I just made sure na I wouldn't be so hard-headed next time. And that everything that I'll do will always be out of peace. And they know that,” paliwanag niya
Inilahad din ni Mavy ang leksiyong kaniyang natutunan pagdating sa nakaraan niyang love life.
“Honestly, Tito Boy, even if nagkaroon ng drama sa public, in our household, we were still intact. The truth set us free. The truth kept us at peace. And there was really no sermon because kilala nila ako eh. Whatever the people were saying, hindi talaga siya totoo. And I take pride in that talaga,” sabi ng binata.
“And with that, what taught me is to become more resilient and stronger. And it brought me closer to God which is definitely something I'm really grateful for because everything now, I leave it to His hands. And I became more God-fearing,” dagdag niya.
Naging usap-usapan ang paghihiwalay nina Mavy at Kyline Alcantara noong 2023 na napansin ng kanilang followers nang wala na silang post na magkasama sa social media.—FRJ GMA Integrated News
