Ipinamalas ni Jean Garcia ang kaniyang galing sa pag-arte at isinalang ang “Unang Hirit” barkada sa kaniyang School of Kontrabida Acting. Pumasa kayang kontrabida sa kaniya si Susan Enriquez? Alamin.

Sa episode ng “Unang Hirit” nitong Biyernes, nagbigay si Jean ng tips kung paano magbitaw ng linya ang isang kontrabida.

“Dapat madiin. May dalawang choices ‘yan. Puwedeng mabilis ang pagkaka-dialogue mo or madiin na mabagal,” ani Jean.

Ipinakita rin ng award-winning actress ang iba’t ibang level ng acting sa eksenang “Layuan mo ang anak ko” mula level 1 na tarayan, level 2 na may alukan ng P1 milyon at buhusan ng wine, at level 3 na mayroon nang sampalan.

Pumasa naman kaya sina Susan Enriquez, Anjo Pertierra, Kazel Kinouchi at Arnold Clavio sa acting classes ni Jean? Panoorin sa video. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News