Inilahad ni Mavy Legaspi na kinabahan siya sa kaniyang pagbabalik-teleserye lalo pa’t kasama niya ang kaniyang pamilya sa bagong GMA Afternoon Prime series na “Hating Kapatid.”
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing inantabayanan at nakakuha ng mga papuri ang world premiere ng “Hating Kapatid” nitong Lunes.
Kinagiliwan ng fans ang nakare-relate na storyline at magkasama ang mag-asawang Zoren at Carmina Legaspi, pati ang kanilang kambal na sina Mavy at Cassy.
Si Mavy, inilahad na kinabahan sa kaniyang pagbabalik-teleserye.
“Siyempre noong una I’m not gonna lie, kinabahan ako, mas may kaba. Because before I accepted this project, matagal na akong hindi nakapag-series eh, because I really took a pause,” sabi ni Mavy.
“So there were a lot of doubts for me on my end. Pero I realized, the only opponent or enemy that I had was myself. Kasi wala naman nagsistop sa akin, ako lang nagsistop sa sarili ko,” dagdag niya.
Maliban sa magandang storyline na may mga plot twist, itatampok din sa series ang kagandahan ng Pilipinas nang kunan ang ilang eksena sa isang flower farm sa Atok, Benguet.
“Para kami nagbakasyon, kasi we haven't been to Benguet, we haven't been to Atok. So parang first time namin ‘yun as a family. Plus bonus na, nagwu-work pa kami together as a family,” sabi ni Carmina.
Naging bukas naman sina Cassy at Mavy tungkol sa pagpapalaki sa kanila nina Carmina at Zoren, sa pagpapatuloy ng tsikahan kasama ang Legaspi fam sa GMA Integrated News Interviews.
“At a very young age, I believe I've always had a mature mindset. So I always ask ‘Why?’ I also want to understand. Para the next time, I'll go home early because this. Pero I won't accept, ‘Umuwi ka nang maaga kasi babae ka.’ Ah, tapos siya (Mavy), hindi. No way, doon tayo sa equality. Uwi tayo same time,” sabi ni Cassy.
Ngayong nasa edad na sina Mavi at Cassy, hinahayaan na sila nina Zoren at Carmina sa sarili nila. Pero tinitiyak pa rin nila na close pa rin ang bond nilang pamilya at open ang kanilang communication lines.
“Si Maverick ha? Para lang malaman natin na he's out there. He's on a journey. You know? Hanggang sa, ‘Hon ba’t ‘di pa umuwi ‘yan? Hanggang nalaman namin na merong ka-roommate pala ‘yan na bestfriend niya na naki-share sa condo unit ata. Na doon tumitira. Na hindi namin alam. Nandoon na pala namili ng mga furniture. Bumukod na hindi namin alam,” kuwento ni Zoren tungkol kay Mavy.
“Pero in fairness naman tatay, nagpaunti-unti naman siya. Hindi naman biglang ‘Uy nawala na ‘yung anak ko. Hindi naman gano'n. In-unti-unti naman,” singit ni Carmina.
“Hindi namin sila sakal,” dagdag ni Carmina. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
