Ipinagluluksa nina Kuya Kim at asawang si Felicia nitong Biyernes ang biglaang pamamaalam ng kanilang anak na si Emman Atienza.
Sa kanilang Instagram post, ibinahagi nina Kuya Kim at Felicia, “It's with deep sadness that we share the unexpected passing of our daughter and sister, Emman.”
“She brought so much joy, laughter, and love into our lives and into the lives of everyone who knew her. Emman had a way of making people feel seen and heard, and she wasn’t afraid to share her own journey with mental health. Her authenticity helped so many feel less alone,” pagpapatuloy ng mag-asawa.
Hiniling nina Kuya Kim at Felicia ang pag-alala kay Emman sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga katangiang kaniyang ipinamalas.
“To honor Emman’s memory, we hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life.”
Isang Sparkle talent ang 19-anyos na si Emmanuelle, na sinamahan ang kaniyang ama sa unang GMA Gala. Bati ni Kuya Kim sa ika-16 taong gulang niya, "you will be papa and mama's baby forever!"
Naging usap-usapan din si Emmanuelle sa social media. Nag-viral siya nang ipagtanggol niya ang kaniyang pamilya sa gitna ng mainit na usapin ng mga maanomalyang flood control projects at "nepo babies." Ayon sa kaniya, ang inang si Felicia ang kanilang bread winner.
—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News

