Humingi ng paumanhin ang national director ng Miss Universe Thailand na si Nawat Itsaragrisil, kaugnay sa nangyaring kontrobersiya sa patimpalak kamakailan.
Sa Instagram Stories na ni-repost ni Bunda Latinas, sinabi ni Nawat na, “If anyone feeling not good, if anyone not comfortable, if anyone [affected], I do apologize for everyone.”
“But I did talk, apologize to the rest of the girls in the room. Around 75 girls in the room already," dagdag niya.
Ayon kay Nawat, lagi niyang sinusubukan na ibigay ang “five-star service.”
"I prepare everything for everybody, every country, that I wish to make history of Miss Universe 74 with the organization. This is my dream," saad niya.
Sinabi rin niya sa publiko na hindi peke ang bawat anunsiyo ngunit inihayag niya na “maybe they’re [the delegates] confused when they read the announcement from MU and what I want to do. Very complicated.”
Ayon kay Nawat, para maresolba ang problema, makikipagpulong siya sa Miss Universe Organization (MUO) mismo sa Thailand.
“Because no one has authority in Miss Universe in Thailand now,” saad niya at sinabing hihiling siya ng isang CEO na agad na tututok sa operasyon sa bansa.
Sa isa pang post sa Instagram Stories noong Miyerkules, ipinaliwanag ni Nawat na ginawa niya ang lahat upang maiayos ang pag-organisa ng mga aktibidad at maging “patas” sa lahat ng kalahok.
"But it's difficult to control because of the daily events. Being posted about has made it harder for people to access the beauty queens," sabi niya sa wikang Thai, na isinalin sa Ingles ng Google translate.
Muli siyang humingi ng paumanhin sa fans ng Miss Universe, at sinabing, "My patience has limits."
"I apologize again if I made anyone uncomfortable while watching Universe this time," dagdag niya.
Sa isang video na ipinost ng Miss Universe Thailand noong Martes, nakita si Nawat na nakikipagpalitan ng salita sa isang tao na hindi kita sa camera, at kalaunan ay tumawag ng security.
Matapos nito, naglabas ng pahayag ang Miss Universe Mexico tungkol sa kanilang kandidata na si Fatima Bosch, at sinabi nilang “hindi katanggap-tanggap” ang nangyari sa kaniya sa Thailand.
"No woman, under any circumstance, deserves to be insulted or humiliated," saad ni Miss Universe Mexico sa Spanish, na isinalin sa Ingles ng Instagram.
Samantala, ipinahayag ng reigning Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig na pround siya kay Fatima.
Sa kaniyang Instagram Story, sinabi ng Danish beauty queen na ang paninindigan para sa sarili ay isa sa pinakamahalagang pagpapakita ng paggalang sa sarili at lakas ng loob.
Naglabas din ng pahayag ang Miss Universe Organization na muling tiniyak ang kanilang pakikipagtulungan sa host community, sa Miss Grand International Organization (MGI), at sa lahat ng lokal na katuwang upang matiyak ang tagumpay ng ika-74 na edisyon ng Miss Universe competition.
Sinabi rin nilang isang mataas na antas ng delegasyon, na pinangungunahan ni MUO Chief Executive Officer Mario Búcaro, ang pupunta sa Thailand “to strengthen collaboration with the host country, MGI, and relevant authorities.”
Gaganapin ang Miss Universe 2025 pageant sa November 21, at si Ahtisa Manalo ang pambato ng Pilipinas. — mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ GMA Integrated News

_2025_11_05_08_30_30.jpg)