In her bangs era na si Ashley Ortega bilang paghahanda sa kaniyang role sa upcoming Kapuso series na “Apoy sa Dugo.”
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing dream role ni Ashley ang karakter sa serye kaya talagang nag-research siya para maipakita ang point-of-view ng isang taong may mental health condition.
Dagdag ng ex-PBB housemate, excited na siyang ipakita ang bagong Ashley na mapapanood sa serye.
Makakasama ni Ashley sa “Apoy sa Dugo” sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador at Ricardo Cepeda, na aabangan sa 2026.—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News
