Iniulat ng isang British newspaper na hiwalay na sina Olivia Rodrigo at Louis Partridge. Naging emosyonal umano ang Filipina-American singer nang ihayag ang naturang breakup.
Ayon sa ulat ng British newspaper na The Sun, dumalo si Olivia sa isang engrandeng party ni Lily Allen sa London, at napaiyak umano ang mang-aawit nang ikuwento ang tungkol sa kanilang hiwalayan.
“It’s not been the easiest few weeks for them and they decided it’s better to be apart for now," ayon sa source ng The Sun.
Kilala si Louis na isang napaka- supportive boyfriend kay Olivia.
Matapos ang performance ni Olivia sa Glastonbury ngayong taon, nag-post pa siya sa Instagram upang ipakita ang kaniyang suporta, at sinabing, “she worked her ass off for it and couldn’t be more deserving of all her success and for the great crowd that was watching. What a moment."
Nang bumisita si Olivia sa Pilipinas noong nakaraang taon para sa kaniyang “Guts” World Tour, sinamahan din siya ni Louis.
Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2023. — Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News

