Pumanaw na ang komedyanteng si Doughlas Arthur Supnet, na mas kilala sa showbiz bilang si "Kuhol," sa edad na 66.

Ang kapatid ng komedyante na si Carol ang nag-anunsyo ng malungkot na balita sa post niya sa Facebook.

"Share your laughter in heaven, Manong Philip... We will miss you our 'little-big" brother... We love you..." saad ni Carol.

Nakilala si Kuhol sa kaniyang mga sidekick role sa pelikula at telebisyon noong 1990s at 2000s. Kabilang dito ang "Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue," "Juan & Ted: Wanted," at "Walang iwanan... Peksman!"

Nakaburol si Kuhol sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula sa December 23 hanggang 26. – FRJ GMA Integrated News