Magtatambal sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Nadine Lustre para sa Viu original series na “Love, Siargao.”
Ang serye ay tatalakay sa “Siargao Curse,” kung saan ang mga bumibisita sa isla ay hindi na umano umaalis o umiibig pang muli.
Bida sina Jao (Alden) at Kara (Nadine), na dalawang estrangherong may magkakaibang prinsipyo sa buhay na magkukrus ang landas habang tinatahak ang mga yugto ng modernong pag-ibig.
Itatampok din dito ang mga magagandang beach ng Siargao, ang mga pagkain, at iba pang tourist attraction.
Ang “Love, Siargao” ay proyekto ng Viu kasama ang Viva at GMA.
Sa ulat naman ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing makakasama rin sa romance-drama ang Korean actor na si Choi Bo-min.
Present sa announcement ng serye sina Asia’s Multimedia Star at Philippines’ Multimedia Princess Batay sa announcement ng serye.
Full-support ang executives ng tatlong industry giants at production heads sa pangunguna ni Vicente Alejandro Sy-Quia, Country Manager ng Viu Philippines; Vincent Del Rosario, President and CEO ng Viva Communications Inc.; at Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President ng GMA Network Inc.
Mapanonood ang “Love, Siargao” na may 26 episodes simula sa ikalawang quarter ng taon.-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
