Matapos ang tatlong buwang pananatili sa Bahay Ni Kuya, naging ka-close na rin nina Sofia Pablo at Eliza Borromeo ang mga naiwan pang housemates sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.” Pero sinu-sino kaya ang sa tingin nila’y karapat-dapat sa Big Four? Alamin.
“Actually, lahat po sila super deserving eh. Pero ako po, meron po akong big four talaga. Sina Miguel (Vergara), Krystal (Mejes) and Caprice (Cayetano) and Heath (Jornales) po,” sabi ni Eliza.
Sabi naman si Sofia, “Ako po, actually at this point, ang hirap na. Kasi lahat po ng nasa loob ng bahay right now, they really fought eh. Para lumaban hanggang dulo.”
“Pero kung siguro nag-base po ako sa like, alam ko na gusto talaga nila. Sina Caprice, Heath, Krystal, and Lella (Ford),” sabi pa ni Sofia.
Na-evict sina Sofia at Eliza noong weekend.
Nakakuha sina Sofia at Eliza ng pinakamababang percentage ng votes to save na 8.46% at 20.97%, batay sa pagkakasunod.
Nauna nang na-evict si Eliza, pero nakabalik matapos manalo sa wildcard round.
Kasama pa sa ibang nominado sina Joaquin Arce, Carmelle Collado, Caprice at Heath, na mga naging safe.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
