Engaged na si Lauren Young sa kaniyang nobyo na si Toby Panlilio.
Inanunsyo ng couple ang kanilang engagement sa pamamagitan ng joint post sa Instagram, kung saan makikitang nakaluhod si Toby habang nasa Sapporo, Japan sila.
“Yes yes and yes!!!!! I’m gonna marry my best friend!!!! I love you so much,” caption ni Lauren.
Binati sila ng kanilang mga malalapit sa buhay at kaibigan sa showbiz, kabilang ang kapatid ni Lauren na si Megan Young, asawa nitong si Mikael Daez, Max Collins, Saab Magalona, Andi Eigenmann, at marami pang iba.
“I love you both so much!!!!!” mensahe ni Megan sa engaged na niyang kapatid.
Pitong taon nang magkarelasyon sina Lauren at Toby.
—Jamil Santos/AOL GMA Integrated News

