Inilabas na ang trailer ng "Spider-Man: Brand New Day" na pinagbibidahan ni Tom Holland bilang si Peter Parker.
Sa kanilang social media pages, ibinahagi ng sikat na movie franchise ang trailer ng inaabangan pelikula na makikita ang pagbabalik ni Peter.
Apat na taon makaraan ang nangyaring pagbura sa alaala ng ilang karakter sa “Spider-Man: No Way Home,” nagsimula ang trailer sa pagpapakita kay Peter na nakatira sa isang masikip na apartment.
Ngunit sa halip na high-tech na suit ang suot, isang costume na tila mano-manong tinahi at gamit na gamit na sa pakikipaglaban ang kaniyang gamit.
Ipinakita rin ang eksena na hindi na kilala ni MJ (Zendaya) si Peter dahil sa nangyaring pagbura sa kanilang alaalala.
Hihingi rin ng tulong si Peter kay Bruce Banner (Mark Ruffalo) dahil sa tila pagbabagong nararamdaman niya. Nandoon din ng karakter ni Frank Castle o The Punisher, na karakter ni Jon Bernthal .
Nakatakdang ipalabas ang "Spider-Man: Brand New Day" sa mga sinehan sa July 31. —Jade Veronique Yap/MGP GMA Integrated News

