Pumanaw na sa edad na 78 ang New Zealand actor na si Sam Neill. Ayon sa kaniyang pamilya, biglaan at hindi nila inaasahan ang kaniyang pagkawala.

Ibinahagi ng pamilya sa Instagram post ang malungkot na balita tungkol sa nangyari kay Sam nitong Lunes. Naka-recover na umano ang aktor mula sa blood cancer nang bigla itong pumanaw.

"The loss was sudden and unexpected but blessed by the fact that Sam remained cancer free," saad sa pahayag na naka-post sa IG page ng aktor.

Pumanaw si Neill sa Sydney, at nagbigay-pugay ang kaniyang pamilya sa isang pribadong ospital sa lungsod dahil sa ginawang pag-aalaga sa aktor.

Nitong nakaraang Abril, ibinahagi Sam, kabilang sa mga bida sa classic Jurassic Park movies, na wala na siyang canser matapos sumailalim sa gamutan para sa kaniyang stage-three blood cancer.

"Wry and dry, thoughtful and laconic, Sam fought illness with the same dignity, humour and conviction that gave strength to his every performance," saad ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa isang social media post.

"He will be much mourned and long remembered. May he rest in peace," dagdag nito, -- FRJ GMA News