Nasawi ang isang American national matapos siyang pagnakawan at pagbabarilin ng riding in tandem habang naglalakad sa Teresa, Rizal.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang nahuli-cam na krimen sa isang maliit na kalsada sa Barangay San Roque.

Sa CCTV footage, makikita na naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng mga suspek at tinangkang agawin ang kaniyang alahas.

Pero nanlaban umano ang biktima at hinabol pa ang mga tumatakas na salarin.

Ngunit hindi nagtagal, bumalik ang mga suspek at doon na pinagbabaril ang biktima, at kinuha ang iba pa niyang gamit.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng puliya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. – FRJ GMA News