Tumabo sa takilya ang "Spider-Man: Brand New Day" sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa Pilipinas ngayong linggo.

Ayon sa pahayag ng Columbia Pictures, kumita ng ₱95,930,965 sa unang araw ng showing sa Pilipinas ang pinakabagong installment ng sikat na Marvel franchise movie.

Ito ang pinakamalaking opening day gross para sa Sony Pictures, at pinakamalaking opening day box office sa bansa matapos ang pandemya.

Ito rin ang ikatlong pinakamalaking opening day sa kasaysayan ng Philippine box office, kasunod ng "Avengers: Endgame" at "Avengers: Infinity War."

Ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang "Spider-Man: Brand New Day" nitong Miyerkoles, ang ikaapat na pelikula ng Marvel tungkol kay Spider-Man.

Naganap ang kuwento apat na taon matapos ang memory wipe na nangyari sa "Spider-Man: Far From Home." Sa mga naunang trailer, ipinakita si Peter Parker na unti-unting nawawalan ng kontrol sa kanyang sarili at sa kaniyang mga kapangyarihan habang pinagdaraanan niya ang mga pagbabagong dulot ng kaniyang DNA, na inilarawan ni Bruce Banner (Mark Ruffalo) bilang isang mutation.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Tom Holland bilang Peter Parker, Zendaya bilang MJ, at Jacob Batalon bilang Ned.—FRJ GMA News